September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Parinig ba? Jackie Lou Blanco kay Mavy Legaspi, 'Mas gwapo ka nak!'

Parinig ba? Jackie Lou Blanco kay Mavy Legaspi, 'Mas gwapo ka nak!'
Photo courtesy: Jackie Lou Blanco (IG)/Mavy Legaspi (IG)

Umani ng reaksiyon mula sa kapwa celebrities at netizens ang larawang ibinahagi ni Kapuso actor Mavy Legaspi sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Setyembre 2.

Napansin ng mga netizen na tila nabawasan ng timbang si Mavy at pumayat na.

"been doing just fine," caption dito ni Mavy.

Nagkomento naman dito ang komedyanteng si Chariz Solomon.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

"Ang payat mooooo but beautiful!!!!" aniya.

Tugon naman dito ni Mavy, "it’s been a journey… 40lbs down."

Muli namang nag-reply dito si Chariz, "WOOOOAAAHHH GALIIIING!!!!"

Maging ang veteran star na si Jackie Lou Blanco ay napakomento rito, at ang tila sinasabi ay mas gwapo si Mavy sa looks niya ngayon.

"Mas gwapo ka Nak!!! looking great!!! keep it up!!!" aniya.

Ngunit ilan sa mga netizen ang tila iba ang interpretation sa sinabi ni Jackie Lou na tila may ikinukumpara itong ibang artista kay Mavy dahil sa salitang "Mas."

"@jackielou.blanco more masculine naman ung isa hehe," react ng isa.

Sey naman ng isa, "@jackielou.blanco mas gwapo naman si kobe layo lakas ng appeal."

Photo courtesy: Mavy Legaspi (IG)

Nakakaloka talaga ang mga netizen, eh malinaw naman na walang binanggit na pangalan si Jackie Lou!

Ang binanggit na "Kobe" ng isang netizen ay maaaring si celebrity basketball player Kobe Paras na nali-link ngayon kay Kapuso star Kyline Alcantara, na umano'y ex-jowa ni Mavy. 

MAKI-BALITA: Pagkandong ni Kyline kay Kobe, way of support lang daw ng aktres

MAKI-BALITA: May tanim pang kiss sa balikat: Kyline at Kobe nagkandungan na, sila na ba?

Si Jackie Lou ay napapanood sa mystery-drama series na "Widow's War" na pinagbibidahan nina Carla Abellana at Bea Alonzo sa GMA Prime. 

Anyway, wala pang reaksiyon o tugon si Jackie Lou tungkol dito.