September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Naghahanap daw ng gulo? Rhian Ramos, nilaro 'shimenet' ni VP Sara Duterte

Naghahanap daw ng gulo? Rhian Ramos, nilaro 'shimenet' ni VP Sara Duterte
Photo Courtesy: Rhian Ramos, Sara Duterte (FB)

Napagdiskitahan ni Kapuso star Rhian Ramos ang pumatok na kataga ni Vice President Sara Duterte na “shimenet.”

Sa Facebook post ni Rhian noong Linggo, Setyembre 1, matutunghayan ang video niyang umaawra habang nakalapat ang remix version ng “Boom Boom Pow” at “shimenet.”

“She may like to stay home, but sometimes, #ShimenetLike....” saad ni Rhian sa caption.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"Ito lang yung nagiisang nagpapatawa pero Dyosa parin ang datingan!"

"Asar talo na naman mga alagad ni princess fiona AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

"Dami naman na hurt dito hahaha, pero di na hurt nung ginasta ng idol nila ang 125M in just 11 days.."

"Nako Rhian. nag hahanap ka talaga ng Gulo. "

"Daming umiiyak pero walang imik sa gastadorang SWOH? DDS are built differently. "

"We already know her humor is not for everyone. So sa mga galit, Shimenet like.. "

"Officially crowned as MOTHER!! And if yuminetlike that then you can shiminetlike"

"This is sooooo funny!!! "

“mother Rhian naman!!!”

Matatandaang nag-trending ang “shimenet” matapos okrayin ng mga netizen ang sinabi ni Duterte sa kontrobersiyal na budget hearing ng OVP sa House of Representatives kamakailan.

MAKI-BALITA: Salitang 'Shiminet' trending, kanino galing at paano nabuo?

Samantala, pinuna naman ni dating Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon ang pangungutya ng ilan sa pagiging bisaya ng bise-presidente.

MAKI-BALITA: Rowena Guanzon, pinuna pangungutya sa 'shimenet' ni VP Sara Duterte