November 26, 2024

Home BALITA National

Magnitude 4.0 na lindol, tumama sa Surigao del Sur

Magnitude 4.0 na lindol, tumama sa Surigao del Sur
Courtesy: PAGASA/FB

Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa Surigao del Sur nitong Martes ng madaling araw, Setyembre 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:24 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 67 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 2 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, ang naturang lindol ay isang aftershock ng magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa Surigao del Sur noong Agosto 3, 2024.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

MAKI-BALITA: Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol; walang tsunami threat sa PH

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.