September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Jake Cuenca 'bumigay' kay Gerald Anderson: 'Tayong dalawa na nga lang!'

Jake Cuenca 'bumigay' kay Gerald Anderson: 'Tayong dalawa na nga lang!'
Photo courtesy: Jake Cuenca (IG)

Kinaaliwan ng mga netizen ang "bromance" ng magkaibigang Jake Cuenca at Gerald Anderson, dahil sa 17 taon nilang friendship na nagsimula sa teleseryeng "Tayong Dalawa."

Kaya naman hirit na biro ni Jake sa kaniyang Instagram post, "From 'Tayong dalawa" to 'Tayong dalawa na nga lang.'"

Nagsama sa isang podcast sina Jake at Gerald at tiyak na marami silang napag-usapan dito.

"17 years of solid friendship and brotherhood in a one hour podcast in @yzonephilippines."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Here's to more learnings in life, milestones and even more accomplishments together! At kahit ano mangyari

'bok walang talo talo' padin! Love you mucho bro @andersongeraldjr!" anang Jake.

Sa comment section ay mababasa naman ang reply ni Gerald, "I'll always be here bok."

Napakomento naman dito ang "special someone" si Jake na si Chie Filomeno.

"Bok, walang talo talo!!!" aniya.

Wala namang komento rito ang girlfriend ni Gerald na si Julia Barretto.

Marami naman sa mga netizen ang napa-nostalgia at binalikan ang memories nila sa serye nina Jake at Gerald.

"One of ABS masterpieces and high rated teleserye also, soundtrack the story and Cast was superb."

"Napaka galing nyong dalawa sa palabas na yan"

"I remember when we need to walk for about 15 minutes para makinood sa pinsan namin just to watch Tayong Dalawan since wala pa kaming ilaw nun, worth the sacrifice though t'was a masterpiece. Favorite to ng Lola a Nanay ko, even nowadays nababanggit pa rin nila ang teleserye na to."

"Double date na kayo Jake and Chie, Gerald and Julia. Bff din ni Chie si Julia."