November 26, 2024

Home BALITA National

Enteng, muling lumakas habang nasa katubigan sa kanluran ng Ilocos Norte

Enteng, muling lumakas habang nasa katubigan sa kanluran ng Ilocos Norte
Courtesy: PAGASA/FB

Muling lumakas ang Tropical Storm Enteng habang kumikilos ito sa katubigan sa kanlurang bahagi ng Ilocos Norte, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong sakong 11:00 ng umaga nitong Martes, Setyembre 3.

Sa tala ng PAGASA, huling namataan ang bagyong Enteng 100 kilometro ang layo sa west northwest ng Laoag City, Ilocos Norte.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 105 kilometers per hour.

Kumikilos ito pakanlurang sa bilis na 25 kilometers per hour.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Nakataas sa Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar sa Luzon:

- Western portion ng Ilocos Norte (Badoc, Pinili, Currimao, Laoag City, Paoay, Bacarra, Pasuquin, San Nicolas, City of Batac, Burgos) 

- Northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, City of Vigan, Bantay, Santa, Caoayan)

Nakataas naman sa Signal No. 1 ang mga sumusunod:

- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Norte

- Mga natitirang bahagi ng Ilocos Sur

- Northern portion ng La Union (Luna, Santol, San Juan, Bagulin, Bangar, San Gabriel, Bacnotan, Sudipen, Balaoan, City of San Fernando)

- Apayao

- Kalinga

- Abra

- Western portion ng Mountain Province (Besao, Tadian, Sagada, Bauko, Sadanga, Bontoc, Sabangan)

- Northern portion ng Benguet (Mankayan, Kapangan, Kibungan, Bakun, Buguias)

- Western section ng Cagayan (Tuao, Rizal, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes) kabilang na ang Fuga at Dalupiri Islands

Ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas pa ang bagyo at itataas sa “severe tropical storm” category sa susunod na 12 oras, at sa “typhoon” category pagsapit ng Huwebes, Setyembre 5. 

Posible raw na lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo bukas ng Miyerkules ng umaga, Setyembre 4.