October 07, 2024

Home SHOWBIZ

Dianne windang sa tuition niya noon kumpara sa ₱170k tuition ng anak niya sa Nursery 2

Dianne windang sa tuition niya noon kumpara sa ₱170k tuition ng anak niya sa Nursery 2
Photo courtesy: Dianne Medina (IG)

"Naloka" ang TV host-actress na si Dianne Medina nang mahalungkat niya ang mga lumang gamit noon nang maglinis siya ng lumang bahay, matapos niyang makita pa ang resibo ng matrikula niya noong nag-aaral pa lamang siya ng Kinder, way back 1991.

Hindi naman niya ito maiwasang maihambing sa matrikula ng anak nila ng mister na si Rodjun Cruz na si Joaquin, na nag-aaral na sa Nursery 2.

Pumapalo kasi ng 6 digits ang tuition nito, kumpara sa tuition niya dati na wala pang ₱3k.

"Cleaning our old house! hahahah dami ko nahalungkat hahaha."

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

"Grabe yung tuition ko may receipt na May 7, 1991, kinder, Holy Spirit QC -- 2125.50 pesos lang," ani Dianne.

"Fast forward now P170K si Joaquin Nursery 2 grabe hahaha," dagdag pa niya.

Photo courtesy: Screenshot from Dianne Medina (IG)

Wala namang nagkomento rito dahil nga nasa IG story, pero sa ilang page na nagbalita na nito, ay umani ito ng iba't ibang reaksiyon at komento.

"Kung magandang education knowledge in advance and moral values ang mabibigay ng school why not? Investment din kasi ang education at kung keri naman nila na ibigay sa anak nila magandang education okey di ba..."

"Kailangan ba talaga?"

"tuition na ng 3 kong anak yan, gr. 5, gr. 7 at gr. 8 yang tuition ng baby niya.."

"Pang college na po ba pinag-aaralan nila?"

"Mas mahal pa sa college at high school? Haha."

"nusrsery plng yan ha..what if mag college na..anyways afford nmn nila yan mag asawa kc hardworking cla..lahat nmn tau gusto un best pra sa mga anak natin.."

"Kung afford naman go lang, huwag na manghinayang sa maganda at de-kalidad na edukasyon."