September 16, 2024

Home SHOWBIZ Events

'BINI Lady:' Blooms, ticket sa concert ni Martin Nievera ang nabili

'BINI Lady:' Blooms, ticket sa concert ni Martin Nievera ang nabili
Photo Courtesy: BINI, Martin Nievera (FB)

Nagkaroon ng aberya ang isang Blooms—tawag sa fans ng BINI—sa pagbili niya ng ticket para sa Grand BINIverse Concert sa darating na Nobyembre.

Sa halip kasi na VIP ticket para sa concert ng BINI, VIP ticket para sa 42nd anniversary concert ni Kapamilya singer Martin Nievera ang nabili ni “@kexia7145” o Kassy De Guzman.

“Wts [Want to sell] lfb [Looking for buyers] mr martin nivera’s 42nd anniversary. (1) SVIP row 6 seat 1, September 27 2024 8pm,” saad ni Kassy sa kaniyang X post kamakailan.

Dagdag pa niya: “Reason for selling: nag crash yung site ko while trying to purchase biniverse day 3 then biglang na purchase namin is this ticket pls help me sell this po by retweeting ty po.”

Events

National Artist Ricky Lee, inihayag susunod na projects matapos 'Kalahating Bahaghari'

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang kanilang mga komento:

"good luck po! seated sa fancam ni mr martin"

"HWHHQHQHQHQHQ QAQI! MGNDA YUNG “BE MY LADY”

"Tawang tawa ako sa Bini Lady HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

"TEH YUNG PANTROPIKO MO NAGING BE MY LADY "

"Tawang tawa ako sa Bini Lady HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

"BINI Lady just forget the past it’s time to mend your broken heart"

"di ko alam kung maaawa ba ako sayo o matatawa nalang "

"Gusto kong maawa pero sorry tawang tawa talaga ako"

Samantala, sa latest post ni Kassy ay nakiusap siya na tulungan at huwag pagtawanan sapagkat hindi naman daw niya ito deserve lalo’t unang beses daw niyang bumili ng ticket.

Sa dami ng bumili ng ticket para sa concert ng BINI, hindi marahil nakapagtatakang nangyari ang ganitong insidente. 

Matatandaang ayon sa ulat ay naubos daw agad ang ticket para sa Grand BINIverse Concert sa loob lang ng tatlong oras.

Kaya naman napilitan ang Star Music na dagdagan ng isa pang araw ang dapat sana ay dalawang araw lang na concert.

MAKI-BALITA: Concert ng BINI, dinagdagan ng isa pang araw