September 19, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Bianca Umali, nadulas; Ruru Madrid, nag-alok na ng kasal?

Bianca Umali, nadulas; Ruru Madrid, nag-alok na ng kasal?
Photo Courtesy: Screenshots from GMA Integrated News (YT)

Tila nadulas ang Kapuso star na si Bianca Umali tungkol sa plano nilang pagpapakasal ng jowa niyang si Ruru Madrid.

Sa episode kasi ng “It’s Showtime” nitong Lunes, Setyembre 2, tampok na kalahok sa “Kalokalike Face 4”  si Kevin Dungcalan na tinaguriang “Ruru Madrid ng Quezon City.”

Isa sa mga hurado ng nasabing contest ay si Bianca. Kaya naman nagtanong si Unkabogable Star Vice Ganda sa contestant ng ilang facts tungkol sa celebrity couple.

Ngunit bigo si Kevin na masagot kung kailan ang anniversary nina Bianca at Ruru. Pabiro tuloy nagalit sa kaniya si Bianca at inusisa siya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

“Ilan ba kami?” tanong ni Bianca.

“Mahal, nag-iisa ka lang,” paliwanag ni Kevin. “Hindi ko puwedeng dagdagan or anoman.”

“Nagsabi ka sa akin papakasalan mo ako hindi mo alam ang anniversary natin,” sumbat ng aktres.

Nawindang naman ang “It’s Showtime” hosts sa litanya ni Bianca. Hirit pa nga ni Vice Ganda: “Naku, nag-propose na pala Bianca! So, may tinatagong proposal?”

“Siyempre, kailangan sa amin muna ‘yon. ‘Di ko pwedeng ibulgar,” salo naman ni Kevin.

Matatandaang sa isang panayam noong Hulyo ay inamin ni Bianca na confident daw siya na sa kasalan daw mauuwi ang kanilang relasyon ni Ruru.

MAKI-BALITA: Bianca Umali, handa nang magpakasal kay Ruru Madrid?