September 16, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Abot Kamay na katapusan: Pinky Amador, Allen Dizon pinagmadre na

Abot Kamay na katapusan: Pinky Amador, Allen Dizon pinagmadre na
Photo courtesy: GMA Drama (FB)

Abot Kamay na raw sa sukdulan ang pagkaaliw at "pagkabanas" na rin ng mga netizen sa patok na "Abot Kamay na Pangarap" sa GMA Afternoon Prime dahil sa tila hindi matapos-tapos na kasamaan ni "Moira Tanyag/Morgana Go" na epektibong ginagampanan ni Pinky Amador, gayundin ni Allen Dizon na gumaganap naman bilang Dr. Carlos Benitez.

Sa ipinakitang mga larawan sa official Facebook page ng GMA Drama, ng patikim sa mga susunod na magaganap, makikitang nagpanggap na madre sina Morgana at Carlos para makapunta sa kasal nina Dr. RJ na ginagampanan ni Richard Yap at Lyneth, na ginagampanan naman ni Carmina Villarroel.

Bagama't marami ang natutuwa sa palabas at consistent high ratings ang nakukuha nito sa viewership, marami rin ang naiinis na rito at nakikiusap na sa direktor, writers, at maging sa pamunuan ng GMA Network na tapusin na ito.

MAKI-BALITA: True ba? 'Abot-Kamay na Pangarap,' mamamaalam na sa ere?

Teleserye

Janine Gutierrez, kinaiinisan pero pinupuri ang pag-arte

Sa teaser ng episode 617 ng nasabing teleserye nitong Sabado, Agosto 31, makikita sa huling bahagi ang tekstong “Ang nalalapit na pagtatapos” sa ibaba ng titulo nito.

Ngunit wala pa namang ibang detalyeng inilalabas kung kailan ang eksaktong petsa ng pamamaalaman nito sa ere.

Anyway, naanunsyo na nga na "Abot Kamay na ang katapusan" ng serye ngayong 2024 kaya nararapat na itong pakatutukan ng avid fans at viewers.