September 20, 2024

Home SHOWBIZ

Jhong Hilario, anong sikreto? MA graduate, host, aktor, tatay, partner at isang politiko

Jhong Hilario, anong sikreto? MA graduate, host, aktor, tatay, partner at isang politiko
Photo courtesy: Jhong Hilario (FB)/MJ Felipe of ABS-CBN News (FB)/Councilor Jhong Hilario (FB)

Nakakabilib si "It's Showtime" host Jhong Hilario dahil bukod sa kaniyang hosting stint at paminsang pag-arte, ay nagawa pa niyang magtapos ng kaniyang Master of Arts in Public Administration with highest merits, sa World Citi Colleges.

Hindi biro ang mag-master's, sabi nga, huwag kang kukuha nito kapag "bored" ka lang, lalo na't grabe rin ang degree program na napili niya.

Bukod dito, councilor din siya sa Makati at siyempre, isa na rin siyang ama sa anak nila ng kaniyang partner na si Maia Azores.

Plus, nagbabalik-pag-arte siya dahil kasama siya sa comeback movie ng "It's Showtime" co-host na si Vice Ganda, na opisyal na entry sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa holiday season, ang "And The Breadwinner Is..." kasama ang komedyanteng si Eugene Domingo. 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kaya ang tanong, anong sikreto niya para ma-juggle ang lahat ng ito?

Sa panayam ni MJ Felipe kay Jhong na umere sa TV Patrol, ang susi raw talaga para magampanan niya ay lahat ay matinding time management.

Siyempre, nakakatulong din sa kaniyang "sanity" ang kaniyang cute na cute na anak na si Sarina na nagpapakita ng pagiging biba, at siyempre, nariyan din ang kaniyang loving partner na si Maia.