December 23, 2024

Home SHOWBIZ Events

'Hot mommas' Sunshine Cruz, Ina Raymundo rumampa at 'di nagpakabog sa mga bagets

'Hot mommas' Sunshine Cruz, Ina Raymundo rumampa at 'di nagpakabog sa mga bagets
Photo courtesy: Sunshine Cruz (IG)

Nagpainit sa runway ang dalawa sa hot mommas ng industriya ng showbiz na sina Sunshine Cruz at "Sabado Night" Girl Ina Raymundo matapos nilang rumampa at makipagsabayan sa ginanap na fashion show ng isang clothing line.

Ibinahagi ni Sunshine ang mga larawan nila ni Ina na talaga namang nakipagsabayan sa mga bagets na ramp models sa show.

"Shout out to women who smile at and compliment other women," ani Shine sa kaniyang Instagram post na naka-tag sa IG account ni Ina.

"Really appreciate the words of encouragement @inaraymundo95. I am so happy to be doing this with you my fellow mommy. Our backstage chats are always a highlight. You’re an amazing and beautiful hot momma!"

Events

Blooms, excited na sa world tour ng BINI sa 2025

Tugon naman dito ni Ina, "Bitin! Really, you’re like a baby sis to me. You make me laugh so hard. So proud of you mommy @sunshinecruz718! Truly ageless!"

" Always so nice to talk you. See you again soon beautiful," saad naman ni Sunshine.

Si Sunshine ay may tatlong naggagandahang anak sa dating mister na si Cesar Montano, na sina Angelina, Sam, at Chesca Cruz. Noong Hulyo 18 ay ipinagdiwang niya ang kaniyang 47th birthday. Single ngayon si Sunshine matapos silang maghiwalay ng recent ex-boyfriend na si Macky Mathay noong 2023.

Si Ina naman ay kasal sa Canada-based Ukrainian businessman na si Brian Poturnak, at may dalawa silang anak na sina Jakob at Erika Poturnak. Si Erika, ay sinasabing dating karelasyon ng basketball player na si Kobe Paras, na nali-link naman ngayon sa Kapuso actress na si Kyline Alcantara. Sa kasalukuyan ay 48 years old na si Ina, na talaga namang hindi mahahalata sa kaniya.