December 23, 2024

Home BALITA National

Enteng, napanatili lakas; mabagal na kumikilos sa karagatan ng Polillo Islands

Enteng, napanatili lakas; mabagal na kumikilos sa karagatan ng Polillo Islands
Courtesy: PAGASA/FB

Napanatili ng Tropical Storm Enteng ang lakas nito habang mabagal na kumikilos pa-hilaga hilagang kanluran sa karagatan ng silangan ng Polillo Islands, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes ng umaga, Setyembre 2.

Sa tala ng PAGASA kaninang 8:00 ng umaga, huling namataan ang bagyong Enteng 100 kilometro ang layo sa north northwest ng Daet, Camarines Norte o 115 kilometro ang layo sa east northeast ng Infanta, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour, at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pahilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Dahil dito, itinaas sa Signal No. 2 ang mga sumusunod na lugar:

Luzon:

Northeastern portion ng Camarines Norte (Vinzons, San Lorenzo Ruiz, Talisay, Daet, Labo, Paracale, Jose Panganiban, San Vicente, Basud, Mercedes, Santa Elena, Capalonga)

Northeastern portion ng Camarines Sur (Garchitorena, Caramoan, Presentacion, San Jose, Lagonoy, Tinambac, Siruma, Goa)

Cagayan (Pe, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Santa Ana, Lasam, Santo Nino, Alcala, Amulung, Solana, Iguig, Tuguegarao City, Enrile, Aparri, Ballesteros, Camalaniugan, Allacapan, Piat, Tuao, Rizal, Abulug, Pamplona) kabilang na ang Babuyan Islands

Eastern portion ng Isabela (Santa Maria, Santo Tomas, Cabagan, Delfin Albano, Quirino, Gamu, Burgos, Luna, Reina Mercedes, City of Cauayan, Alicia, Echague, Jones, San Agustin, Angadanan, San Guillermo, San Pablo, Maconacon, Tumauini, Ilagan City, Palanan, Divilacan, San Mariano, Naguilian, Benito Soliven, Dinapigue, Cabatuan, Aurora, San Manuel, Mallig, Quezon, Roxas)

Northern portion ng Aurora (Casiguran, Dilasag, Dinalungan)

Polillo Islands

Eastern portion ng Quirino (Maddela)

Northern portion ng Apayao (Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol, Calanasan)

Eastern portion ng Kalinga (Rizal)

Nakataas naman sa Signal No. 1 ang mga sumusunod:

Luzon:

Batanes

Ilocos Norte

Ilocos Sur

Eastern portion ng Pangasinan (Rosales, Asingan, Binalonan, Sison, San Manuel, Santa Maria, Balungao, San Quintin, Tayug, Umingan, Natividad, San Nicolas)

Abra

Mga natitirang bahagi ng Apayao

Mga natitirang bahagi ng Kalinga

Mountain Province

Ifugao

Benguet

Mga natitirang bahagi ng Isabela

Mga natitirang bahagi ng Quirino

Nueva Vizcaya

Mga natitirang bahagi ng Aurora

Nueva Ecija

Eastern portion ng Pampanga (Candaba)

Eastern portion ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, City of San Jose del Monte, Obando, City of Meycauayan, Bocaue, Balagtas, Bustos, Baliuag, Pandi, Santa Maria, Marilao, Angat, San Rafael, San Ildefonso, San Miguel)

Metro Manila

Rizal

Laguna

Eastern portion ng Batangas (San Juan)

Mga natitirang bahagi ng Quezon

Marinduque

Mga natitirang bahagi ng Camarines Sur

Albay

Sorsogon

Catanduanes

Northern portion ng Masbate (City of Masbate, Aroroy, Baleno) kabilang na ang Ticao at Burias Islands

Ayon sa PAGASA, inaasahang kikilos ang bagyong Enteng pahilagang-kanluran sa susunod na 24 oras.

“ENTENG may possibly make landfall over Isabela or Cagayan this afternoon or tonight. Shall the forecast track shift further to the west, landfall over the northern portion of Aurora is not ruled out,” anang PAGASA.

Inaasahan namang lalakas pa ang bagyo at itataas sa “severe tropical storm” category sa Miyerkules, Setyembre 4, at “typhoon” category pagsapit ng Huwebes, Setyembre 5, o Biyernes, Setyembre 6.