September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Caloy sa pasiklab ni Chloe sa ASAP: 'So proud of you mahal ko, grabeeeeee!'

Caloy sa pasiklab ni Chloe sa ASAP: 'So proud of you mahal ko, grabeeeeee!'
Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose (FB)/via MB/Balita

Proud na proud si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa kaniyang partner na si Chloe San Jose matapos ang hot performance nito sa musical variety show na "ASAP," ang longest-running musical variety show ng ABS-CBN, maging sa buong bansa.

Pasabog sa unang araw ng Setyembre si Chloe na umawit at sumayaw sa awiting "Havana" ng American singer-songwriter na si Camila Cabello.

MAKI-BALITA: Chloe San Jose pasabog, nagpainit sa ASAP stage; sasabak na sa showbiz?

Ito na ang ikalawang beses na nag-ASAP si Chloe, dahil nakakanta na pala siya noon sa "iWantASAP," noong hindi pa umiingay ang pangalan niya dahil kay Caloy.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Napapatanong naman ang mga netizen kung hudyat na raw ba ito sa tuluyang pagpasok ng jowa ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa showbiz?

Anyway, proud boyfriend naman si Caloy para kay Chloe matapos nitong magkomento sa post ng jowa.

"from iWant ASAP 5 years ago, to my first ever ASAPOFFICIAL prod " anang Chloe, kalakip ang ilang mga larawan niya.

Sa comment section, mababasa naman ang komento/mensahe sa kaniya ni Caloy.

"I'm so proud of you mahal ko grabeeeeee"

"Carlos Edriel Yulo thank you for being so supportive mahal ko," aniya.

from iWant ASAP 5 years ago, to my... - Chloe Anjeleigh San Jose | Facebook

Photo courtesy: Screenshots from Chloe Anjeleigh San Jose (FB)