September 19, 2024

Home SHOWBIZ

'Caloy at Chloe' nagbanggaan sa Showtime

'Caloy at Chloe' nagbanggaan sa Showtime

"Naloka" ang mga netizen nang bumulaga sa noontime show na "It's Showtime" ang ka-look alike ng mag-jowang Carlos Yulo at Chloe San Jose para sa muling pagbabalik ng segment na "Kalokalike."

Paglabas pa lamang ni "Carlos Yulo ng Marikina City" na si Andres ay nagtilian na ang madlang people audience dahil kitang-kita namang si Caloy ang ginagaya nito. Nagpasampol pa ito ng kaniyang mga routine sa gymnastics.

Bukod dito, kuhang-kuha rin niya ang taas at pangangatawan nito.

Lalo namang nawindang ang madlang people nang pagkatapos ni Caloy ay si "Chloe San Jose ng Pasig City" na si Kat ang bumida, na mukhang fresh pa sa kaniyang naging performance sa musical variety show na "ASAP."

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

It's Showtime - "Niraket tayo ng mag-jowa!" ... | Facebook

MAKI-BALITA: Chloe San Jose pasabog, nagpainit sa ASAP stage; sasabak na sa showbiz?

MAKI-BALITA: Caloy sa pasiklab ni Chloe sa ASAP: 'So proud of you mahal ko, grabeeeeee!'

Ang pangatlong contestant naman ay si "Ruru Madrid ng Quezon City" na si Kevin, na pinasaya naman ang isa sa mga hurado na si Kapuso star Bianca Umali, na jowa ng totoong Ruru.

It's Showtime - #ShowtimeKalokalikeFace4 na! Kaloka o Kalokalike?... | Facebook

Siyempre pa, ang nanalo sa unang sultada ng Season 4 ng Kalokalike ay si Carlos Yulo ng Marikina City.

It's Showtime - #ShowtimeKalokalikeFace4 na! Congratulation sa... | Facebook

Agad naman silang kinapanayam sa Showtime Online U.

It's Showtime - #ShowtimeKalokalikeFace4 sa Showtime Online Ü!... | Facebook