September 18, 2024

Home SHOWBIZ

Belle Mariano sinugod ng fan para magpa-selfie; naging trato niya, usap-usapan

Belle Mariano sinugod ng fan para magpa-selfie; naging trato niya, usap-usapan
Photo courtesy: Screenshots from uknwmprsn (TikTok)

Mas lalo pang hinangaan ng kaniyang fans ang Kapamilya star na si Belle Mariano matapos nilang masaksihan ang naging pagtrato niya sa isang fan na biglang sumugod sa kaniya para magpa-selfie.

Sa isang sports event kung saan naghandog ng isang awitin si Belle, walang ano-ano'y isang lalaki ang hindi napigilan ng marshalls na lumapit sa kaniya para magpa-picture.

Ibinahagi naman ito ng isang TikTok user na si "uknwmprsn."

"context: so after belle performed, may lumapit na random guy out of no where tapos pumunta kay belle. what happened was really uncomfy for her. I was really scared kay belle," mababasa sa caption.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sa una'y ikinabigla ito ni Belle, subalit napanatili niya ang composure at pumayag na paunlakan ang lalaking sinasabing isang person with special needs. Napag-alamang ang lalaki ay mula sa Agusan Del Sur at harmless naman daw ito.

Sey ng mga netizens, makikita raw talaga ang kababaang-loob ni Belle sa kaniyang ginawa na sana raw ay tularan ng mga gaya niyang artista.

"very professional c belle mariano alam nya mabait Godbless you many more blessing to come. super pretty"

"If you notice the guy movements and behavior and the way his guardian consoling him he is Gifted person"

"Mejo nakakakaba but she's so professional good job."

"Omg, i know he is special pero delikado to ah, una palang di na dapar lumapit ng ganun. Aggressive masyado si kuya. Pero Belle handled it well."

"Kudos very professional. She seems to be genuinely nice. Magaling din umarte tong batang to. Malayo ang mararating."