September 22, 2024

Home SHOWBIZ

Arlene Muhlach, ibinida pagtatapos sa kolehiyo: 'Age is just a number!'

Arlene Muhlach, ibinida pagtatapos sa kolehiyo: 'Age is just a number!'
Photo courtesy: Arlene Muhlach (IG)

Ipinagmalaki ng aktres na si Arlene Muhlach na sa wakas, nakapagtapos din siya sa kolehiyo at isa na siyang titulado.

Sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Setyembre 2, sinabi ni Arlene na natapos na niya ang Bachelor of Arts in Communication sa Philippine Women's University sa Maynila. Kuwento ni Arlene, nahinto siya sa pag-aaral noon nang magsimula na siyang makatanggap ng trabaho sa showbiz, hanggang sa nagkaroon na siya ng sariling pamilya at naiba na ang kaniyang prayoridad.

Pero pinatunayan ni Arlene na hindi pa huli ang lahat, lalo na sa kaniyang edad.

"I stopped my college studies in my third year many years ago when work was offered to me. Then my family came, and my priorities changed," aniya.

Gerald Anderson, gusto na raw magkapamilya?

"Proving that it is never too late to fulfill a longstanding goal, I now have a degree in Bachelor of Arts in Communication from Philippine Women’s University."

Pinasalamatan ni Arlene ang mga propesor at iba pang significant others na may kinalaman sa kaniyang student journey hanggang sa makatapos na nga.

"Age is just a number, determination and passion are what truly matters," aniya pa.

Congrats, Arlene!