September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Wendell Ramos, hindi makakuda sa isyu ni Sandro Muhlach, bakit kaya?

Wendell Ramos, hindi makakuda sa isyu ni Sandro Muhlach, bakit kaya?
Photo Courtesy: Wendell Ramos (FB), Sandro Muhlach (IG)

Tila nag-alinlangang magbigay ng komento ang Kapuso hunk actor na si Wendell Ramos kaugnay sa isyu ng panghahalay umano kay Sandro Muhlach.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Sabado, Agosto 31, nausisa raw si Wendell kung anong gagawin niya sakaling mangyari din sa anak niya ang nangyari kay Sandro.

“Hindi ako makapag-comment diyan kasi ako talaga, kasi hindi ko pa maisip. Sa totoo lang, napaka-sensitibo ng mga sitwasyon sa both parties,” saad ni Wendell.

“Uulitin ko, mga kaibigan natin sila. Ang hirap. Ang hirap. Kaya pinagdadasal ko na lang bawat isa sa atin,” aniya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Gayunman, gagawin niya raw ang lahat para maproteksyunan ang anak niya.

Ayon kay Wendell: “Alam mo kahit… regardless… i-set aside natin yung issue. I’ll do everything for my son to protect him.”

“Even if yung mga na-accuse or whatsoever, they have their own family also. They have their own parents also na willing to protect them also,” wika niya.

Dagdag pa niya: “So, as parent, as father, talagang gagawin naman natin lahat to protect our children, our kids.”

Matatandaang nagsimula ang tungkol sa isyung ito nang maglabas ng blind item ang Philippine Entertainment Portal (PEP) tungkol sa baguhang aktor na ginawang “midnight snack” umano ng dalawang TV executives.

MAKI-BALITA: Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?