September 20, 2024

Home BALITA National

Richard Gomez, inalmahan pagbangga ng CCG sa PCG: 'Wala bang bus lane?!'

Richard Gomez, inalmahan pagbangga ng CCG sa PCG: 'Wala bang bus lane?!'
Courtesy: Rep. Richard Gomez/FB; PCG via GMA News

Tinawag ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez na “ungas” ang Chinese Coast Guard (CCG) dahil wala naman umanong “traffic” ngunit nambabangga ito ng barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa isang Facebook post nitong Sabado, Agosto 31, ibinahagi ni Gomez ang balita kung saan nagbanggaan ang pinakamalaking barko ng PCG na BRP Teresa Magbanua at barko ng CCG sa Escoda Shoal.

“Eto ang ungas, walang traffic pero nangbabangga,” reaksyon ni Gomez sa balita.

“Wala bang bus lane?! Hahahahahahaha!” hirit pa niya. 

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang naging post ng kongresista hinggil sa kaniyang panggigigil sa mabigat na daloy na trapiko, dahilan kaya’t iminungkahi niyang buksan na lamang sa mga motorista ang bus lane.

“2 hours in EDSA traffic and counting. From Makati, Ayala nasa SM Edsa pa lang ako up to now. Eh QC ang punta ko. 1 or 2 hours pa ba?!” ani Gomez.

“Ilang bus lang ang gumagamit ng bus lane, bakit hindi buksan during heavy traffic para mas lumuwag ang traffic?” saad pa niya. 

MAKI-BALITA: Richard Gomez nanggigil sa traffic, pinabubuksan ang bus lane