September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mga gamít na underwear ni Nico Locco, bet bilhin ng mga 'loccong-locco' sa kaniya

Mga gamít na underwear ni Nico Locco, bet bilhin ng mga 'loccong-locco' sa kaniya
Photo courtesy: Nico Locco (IG)

Nakakaloka ang rebelasyon ni Philippine-based Canadian actor-host Nico Locco tungkol sa mga taong haling na haling sa kaniya at nagre-request na bilhin na lang ang mga used underwears niya gaya ng briefs at boxer shorts, na naging dahilan para maisipan niyang magtayo ng sariling underwear brand para gawing negosyo.

Sa panayam ng entertainment news site na PEP, sinabi ni Nico na naisipan niyang magtayo na lamang ng negosyo hindi para ibenta ang mga hindi pa nalalabhang undergarments, kundi siyempre, mga bagong briefs at boxer shorts na siya mismo ang nagdisenyo.

Nico Locco (@akoposinico) • Instagram photos and videos

Bandang Oktubre ngayong 2024 niya balak ilunsad ang sariling undergarment business na may pangalang "Locco Locco." Tiwala raw si Nico na magiging matagumpay ito, lalo't siya pa lang yata ang male celebrity na nagtayo ng ganitong business, bagay na ikinagulat din niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nico Locco (@akoposinico) • Instagram photos and videos

Bagama't sexy at sophisticated daw ang branding ng underwear business niya, sisiguraduhin niyang affordable pa rin ito sa masa dahil lahat daw ng kalalakihan ay deserve na deserve na magsuot ng maganda at komportableng briefs at boxer shorts.

At nakakaloka nga ang naging pagsisiwalat ni Nico kung bakit naisipan niyang i-push na nga ang matagal nang naiisip na negosyo.

"Marami akong natatanggap na monthly requests from people who would like to buy my used underwear, kaya why not create an underwear line na bagong laba, fresh na at mabango pa?” pahayag niya sa panayam.