October 07, 2024

Home SHOWBIZ

Matapos higit 13 taon: Alvin Elchico, nagbabu na sa TV Patrol Weekend, anyare?

Matapos higit 13 taon: Alvin Elchico, nagbabu na sa TV Patrol Weekend, anyare?
Photo courtesy: Screenshots from Alvin Elchico (FB)/ABS-CBN News (FB)

Matapos magpaalam ang batikang ABS-CBN broadcaster at isa sa apat na TV Patrol news anchors na si Henry Omaga Diaz sa nabanggit na flagship newscast ng Kapamilya Network, isa pang news anchor naman ng TV Patrol weekend ang nagbabu na rin dito, at ito nga ay si Alvin Elchingco.

MAKI-BALITA: Pamamahayag, nasa ugat na ni Henry Omaga-Diaz

Sad news ito para kay Alvin at sa kasa-kasama niyang si Zen Hernandez na higit dekada na ring naghahatid ng mga nagbabagang balita tuwing Sabado at Linggo.

"After more than 13 years, I am leaving as anchor of TV Patrol Weekend! I will miss the weekend grind!" anang Alvin sa caption niya, matapos ibahagi ang video clip ng kaniyang live na pagpapaalam sa ere matapos ang huling newscast nitong Linggo ng gabi, Setyembre 1. 

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Facebook

Isa-isang pinasalamatan ni Alvin ang production staff sa likod ng camera ng TV Patrol weekend, at siyempre, ang kaniyang partner sa newscast na si Zen, na emosyunal na rin. 

Pero ang good news, siya ang papalit sa slot na iiwanan ni Henry na magma-migrate na sa Canada para makasama ang pamilya.

Ibig sabihin, makakasama na ni Alvin ang iba pang TV Patrol anchors na sina Karen Davila, Bernadette Sembrano, at Kabayan Noli De Castro.

Hindi pa tiyak kung sino ang makakasama ni Zen na papalit naman sa iiwanang slot ni Alvin sa TV Patrol weekend.