September 19, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Leandro, aminadong nadadala sa mga maseselang eksena: 'Lalaki tayo!'

Leandro, aminadong nadadala sa mga maseselang eksena: 'Lalaki tayo!'
Photo Courtesy: Screenshots from Toni Gonzaga (YT)

Inamin ng dating sexy actor na si Leandro Baldemor na hindi raw niya maiwasang mawala sa sarili o madala ng emosyon kapag gumagawa ng mga maseselang eksena sa pelikula.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Setyembre 1, inusisa ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga kay Leandor ang tungkol sa nasabing bagay dahil sa ibinahaging karanasan ni Vivamax sexy actress Angeli Khang.

“Ako, sa akin, ha…Pananaw ko ‘to para sa sarili ko. Hindi mawawala. Hindi pupuwedeng wala akong maramdaman kasi love scene ‘yon, e. Nakita mo nang walang damit ‘yong babae. So, do’n pa lang medyo iba na ‘yong pakiramdam mo,” lahad ni Leandro.

“Kaya ang ginagawa ko, ganito naman. Unang-una, magpa-plaster ako [...] Sinisigurado ko na naka-plaster talaga ako. Kasi proteksyon ko rin,” wika niya.

Pelikula

Joshua Garcia, boboses sa Pinoy-dubbed version ng 'Inside Out 2'

Dagdag pa ng aktor: “Wala kaming labas ng dila, wala kaming hawak ng kamay [sa maselan na parte]. Kasi siguro titillating film. Pangkiliti lang. Hindi kami ‘yong napapanood ngayon na iba na, e.”

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang panayam ni Angeli sa vlog din ni Toni matapos niyang aminin ang pananamantala umano sa kaniya sa mga eksenang ginagawa nila sa pelikula.

MAKI-BALITA: Angeli Khang, natsansingan ng ilang co-actors