September 20, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Di inubos pagkain!' Gabbi, nahiyang ipakita true self kay Khalil sa first date nila

'Di inubos pagkain!' Gabbi, nahiyang ipakita true self kay Khalil sa first date nila
Photo Courtesy: Screenshots from Khalil Ramos (YT)

Nagbahagi ng fun fact ang actor-singer na si Khalil Ramos tungkol sa first date nila ng jowa niyang si Gabbi Garcia sa paborito nilang Japanese restaurant.

Sa latest vlog ni Khalil kamakailan, sinabi niya na may isang pagkakataon daw na hindi inubos ni Gabbi ang pagkain nito sa date nila dahil sa hiya.

“Fun fact pa. Nahiya si Gabbi no’n [sa first date namin]. Hindi niya inubos ‘yong pagkain niya,” panimula ni Khalil.

“Ta’s sinabi na lang niya sa ‘kin years later na ‘nahiya lang talaga kasi ako sa ‘yo kaya hindi ko inubos.’ Pero nagugutom pa raw siya no’ng time na ‘yon,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Depensa naman ni Gabbi: “‘Di ko pinakita ‘yong true self ko. Saka syempre no’ng time na ‘yon ikaw ‘yong nagbabayad, e. Ano naman sasabihin nito? Grabe naman ito kumain.

Sa kasalukuyan, pitong taon nang magkarelasyon sina Khalil at Gabbi. At every anniversary daw ay nakagawian na nilang pumunta sa nasabing restaurant.