November 26, 2024

Home BALITA National

Dahil kay Enteng: Signal No. 1, itinaas na sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas

Dahil kay Enteng: Signal No. 1, itinaas na sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas
Courtesy: PAGASA/FB

Itinaas na ang Signal No. 1 sa ilang mga lugar sa Luzon at Visayas dahil sa bagyong Enteng, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Setyembre 1.

Sa tala ng PAGASA kaninang 11:00 ng umaga, huling namataan ang tropical depression Enteng 120 kilometro ang layo sa North Northeast ng Borongan City, Eastern Samar o 150 kilometro ang layo sa silangan ng Catarman, Northern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour, at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa north northwest sa bilis na 30 kilometers per hour.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Dahil dito, itinaas sa Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:

Luzon:

Eastern portion ng Camarines Sur (Presentacion, Garchitorena, Caramoan, Calabanga, Naga City, Pili, Bombon, Magarao, Ocampo, Baao, Nabua, Bula, Balatan, Bato, Milaor, Minalabac, Camaligan, Saglay, Iriga City, Buhi, Tigaon, San Jose, Goa, Siruma, Tinambac, Lagonoy, Canaman, Gainza, San Fernando)

Catanduanes

Albay

Sorsogon

Burias Island

Ticao Island

Visayas

Northern Samar

Samar

Eastern Samar

Biliran

Northeastern portion ng Leyte (Babatngon, San Miguel, Tacloban City, Alangalang, Santa Fe, Palo, Barugo)

Ayon sa PAGASA, inaasahang kikilos ang bagyo pa-northwestward hanggang north northwestward ngayong Linggo, habang unti-unti pang lalakas.

“A landfall and passage over the localities in Bicol Region-Eastern Visayas area is not ruled out within the next 48 hours. Furthermore, this tropical depression may reach tropical storm category by tomorrow,” ana” anang PAGASA.