September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chloe San Jose pasabog, nagpainit sa ASAP stage; sasabak na sa showbiz?

Chloe San Jose pasabog, nagpainit sa ASAP stage; sasabak na sa showbiz?
Photo courtesy: Screenshots from ASAP (YouTube)

Ikinagulat ng Kapamilya viewers ang pag-perform ni Chloe San Jose sa longest-running musical variety show ng ABS-CBN at sa buong bansa, ang "ASAP," nitong Linggo, Setyembre 1.

Pasabog sa unang araw ng Setyembre si Chloe na umawit at sumayaw sa awiting "Havana" ng American singer-songwriter na si Camila Cabello.

Napapatanong naman ang mga netizen kung hudyat na raw ba ito sa tuluyang pagpasok ng jowa ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa showbiz?

Well, ang totoo niyan, nasa showbiz na talaga si Chloe noon pa man pero hindi pa ganoon ka-full blown. Nakakanta na pala siya noon sa "iWantASAP" kaya hindi na bago sa kaniya ang mga ganitong eksena. Isa pa, talagang nagre-record na siya ng sariling kanta, na alay raw niya sa kaniyang jowa. 

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Matatandaang kamakailan lamang ay umikot ang isang balitang balak daw kuning leading lady si Chloe para kay Mark Anthony Fernandez sa isang Vivamax movie.

MAKI-BALITA: Fact or Fake? Mark Anthony, game daw maka-collab sa Vivamax si Chloe

Bagay na isang "fake news" at "fake post" lamang dahil wala namang napabalitang totoo ito at hindi rin mismo galing sa Viva.

Well, abangan na lamang kung one of these days ay mas maraming Chloe San Jose tv appearances pa ang makikita at mapapanood.

MAKI-BALITA: Kilalanin: Chloe San Jose, ang babaeng tumambling sa puso ni Golden Boy Carlos Yulo