September 20, 2024

Home BALITA National

‘Certified plantita!’ VP Sara, nag-uwi ng mga halaman mula Bohol

‘Certified plantita!’ VP Sara, nag-uwi ng mga halaman mula Bohol
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang “plantita” side makaraang bumisita siya sa isang hardin sa lalawigan ng Bohol.

Sa isang Facebook post nitong Linggo, Setyembre 1, nagbahagi si Duterte ng ilang mga kalarawan ng kaniyang pag-iikot sa isang sa hardin sa Panglao, Bohol na nagtatanim daw at nagpapalago ng magagandang halaman.

“Namangha ako sa ganda ng mga halaman at tanim nila at hindi ko napigilan na magdala ng ilan sa mga ito pabalik ng Maynila,” aniya.

Kuwento ng bise presidente, nagsimula siyang mahilig sa mga halaman noong panahon ng pandemya.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Kaya naman, nagpasalamat siya sa mga nakasama sa Bohol na nagpaunlak daw sa kaniyang iuwi ang kaniyang mga napiling halaman.

“Simula ng pandemya ay nakahiligan ko na ang mangolekta at magtanim ng mga halaman sa bahay,” ani Duterte.

“Maraming salamat po na pinaunlakan ako na maiuwi ang napili kong mga halaman,” saad pa niya.