May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Catriona nabasagan na nga ng kotse, pinagnakawan pa sa London

Catriona nabasagan na nga ng kotse, pinagnakawan pa sa London
Photo courtesy: @catrionauniverse (IG)/Catriona Gray (IG)

Ibinahagi ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang krimeng kinasangkutan niya habang nasa London, United Kingdom sa pamamagitan ng Instagram story.

Makikita sa IG story ni Cat ang larawan ng isang kotse kung saan mapapansing basag ang glass window sa likurang bahagi nito.

Batay sa text caption ni Catriona, bumaba sila saglit ng mga kasama upang magtanghalian bago dumiretso sa airport.

Pagbalik nila, nadatnan na nilang wasak ang glass window ng sasakyan, at ang mas nakapanghihina, tinangay ang kanilang mga bagahe na naglalaman ng kanilang passport.

"Traumatized" daw si Catriona dahil sa mga nangyari.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Photo courtesy: Catriona Gray (IG)

Wala pang update ang Miss Universe kung nahuli ba ang mga taong nasa likod ng pagnanakaw at pambabasag sa kanilang kotse.