December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

BINI tinaningan; dalawa hanggang tatlong taon lang daw, disbanded na!

BINI tinaningan; dalawa hanggang tatlong taon lang daw, disbanded na!
Photo courtesy: BINI (FB)/Screenshot from Ogie Diaz Inspires (YouTube)

Nagbigay ng fearless hula ang tinaguriang "Asia's Nostradamus" na si Jay Costura sa kahihinatnan ng Nation's girl group na BINI na sikat na sikat ngayon.

Nakapanayam si Costura sa "Ogie Diaz Inspires" vlog ni Ogie Diaz, at dito ay nagtanong ang showbiz insider sa prediksyon niya sa mga kilala at sikat na personalidad sa showbiz, kagaya na lamang ng BINI.

Ayon kay Costura, dalawa hanggang tatlong taon lamang at madidisband ang grupo na kinabibilangan ng walong miyembro, na pinangungunahan ni Jhoanna, Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, at Sheena.

Ang puno't dulo raw ng pagkaka-disband ng grupo ay "selos" kung sino sa kanila ang aangat at may "K" na sa pagsosolo.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Payo ng fortune teller na huwag sanang lumaki ang ulo ng girl group dahil sa tinatamasang kasikatan ngayon.

"Ang BINI ay mabilis madisband 'yan. Mao-overcooked ang mga bata it's because of parang mao-overwhelm sila sa kasikatan nila," anang Costura.

"Sana huwag lumaki ang ulo nila pero isa sa mga mangyayari diyan ay mga selosan sa kung sino ang aangat sa kanila."

"Sinong aangat? Kung sinong magiging solo?" untag ni Ogie.

"Oh yes, magsosolo. So may mga ganiyang eksena. Siguro nasa dalawang taon lang ang pagsasama or simula ngayon ha, simula ngayong taon so two to three years the BINI will have a big problem regarding with the pressure na nangyayari sa kanila, and nakikita ko na the eagerness na parang to show up kung ano pang kakayanan ng bawat isa, so magdi-disband agad 'yan," pahayag pa ng manghuhula.

Sa counterpart naman ng BINI na SB19, sinabi ni Costura na isa sa kanila ang maglaladlad sa kaniyang tunay na sekswalidad.

MAKI-BALITA: Hula ng psychic sa SB19: 'May aamin sa kanila na hindi straight!'

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mga miyembro o nagme-manage sa BINI tungkol dito.

MAKI-BALITA: ‘Walo hanggang dulo:’ Sino-sino ang mga binibini ng BINI?