November 13, 2024

Home BALITA National

Abalos, nanawagan sa kabataan na tumulong sa kampanya kontra-droga

Abalos, nanawagan sa kabataan na tumulong sa kampanya kontra-droga
Photo Courtesy: Benhur Abalos (FB), via MB

Naglabas ng pahayag si Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary Benhur Abalos kaugnay sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Setyembre 1, nanawagan si Abalos sa kabataan na tumulong sa nasabing kampanya.

“Ang kabataan ang pangunahing target ng mga pusher. Kaya’t nananawagan po ako sa mga kabataan na tumulong sa ating kampanya sa droga,” saad ni Abalos.

“Huwag magpapaapekto sa maling gawain ng barkada. Kung mali ang kanilang ginagawa, you must have that confidence and self esteem to say no,” aniya.

National

Ex-pres. Duterte sa ICC: 'Start the investigation tomorrow!'

Dagdag pa ng kalihim: “Hinihikayat ko din ang lokal na komunidad, pamilya, simbahan, at youth groups na manguna sa paghubog ng inyong mga kabataan.”

Sa huli, iminungkahi ni Abalos sa mga kabataan na ilapit nila ang mga sarili nila sa sports, arts, at ibang  pang mga positibong gawain.

“Iwasan ang droga. Say no to drugs!” pahabol pa niya.