Niyanig ng 5.3-magnitude na lindol ang Davao Occidental nitong Linggo ng umaga, Setyembre 1, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:49 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 237 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 10 kilometro.
Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.
Ngunit hindi naman daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.