September 18, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Maris Racal, emosyunal matapos mapanood trailer ng bago niyang pelikula

Maris Racal, emosyunal matapos mapanood trailer ng bago niyang pelikula
Photo Courtesy: Screenshots from Maris Racal (IG)

Gumawa ng trailer reaction si Kapamilya star Maris Racal matapos mailunsad ang official trailer ng kaniyang bagong pelikula na pinamagatang “Sunshine.”

Sa latest Instagram post ni Maris noong Biyernes, Agosto 30, sinabi niyang hindi umano siya makapaniwalang natapos na nila ang naturang pelikula.

“Di ako makapaniwala na natapos na namin ang pelikulang ‘Sunshine’ pagkatapos ng halos isang taon. Saludo sa mga bumubuo ng pelikulang ito, lalo na kay Direk Tonet na ilang taon itong trinabaho,” saad ni Maris.

“Hanga ako sa dedikasyon at puso ng mga kasama ko rito. Para ito sa kababaihan at sa kanilang karapatang magpasya para sa sarili at sa kanilang katawan,” aniya.

Pelikula

'Kinilabutan ako!' Unang pasilip sa 'Hello, Love, Again,' umani ng reaksiyon

Dagdag pa ng aktres: “Nakakaproud na ang world premiere ng pelikulang ito ay sa TIFF [Toronto International Film Festival] 2024. Isang malaking karangalan ang magkaroon ng pagkakataong ibahagi ang pelikulang Pilipino sa buong mundo.”

Magsisimula ang official selection ng TIFF mula Setyembre 5 hanggang Setyembre 15.

Matatandaang “Here Comes The Groom” ang huling pelikula ni Maris kung saan kasama niya roon sina Echong Dee, Gladys Reyes, Miles Ocampo, at iba pa.