September 20, 2024

Home SHOWBIZ

Jeff Canoy, mamimiss si Henry Omaga-Diaz: 'Thank you for mentorship'

Jeff Canoy, mamimiss si Henry Omaga-Diaz: 'Thank you for mentorship'
Photo Courtesy: Jeff Canoy (FB)

Nagpaabot ng mensahe si Jeff Canoy sa kapuwa niya ABS-CBN news anchor na si Henry Omaga-Diaz na pupunta sa Canada kapiling ang pamilya nito kaya nagpaalam na bilang isa sa news anchors ng TV Patrol.

Kaya naman sa Facebook post ni Jeff noong Biyernes, Agosto 30, ay inihayag niya ang kaniyang damdamin sa pag-exit ng beteranong mamamahayag sa industriya.

Ani Jeff: “HOD [Henry Omaga-Diaz] is a journo’s journo. A kick-ass reporter. And a bastion of humility. Someone we can only hope to be a fraction of.”

“HOD, salamat at good luck sa ‘yong APOstolic duties sa Canada. Ma-mimiss namin ang mga pasabog mo, ang iyong ‘A1 source chismis,’ ang biglaang mga pagyaya na kumain, ang mga medyas na magkaibang kulay at ang pangisi-ngisi mo sa gilid ng newsroom dahil 1) naka-iskup ka 2) o nanalo sa plants vs zombies,” sulat niya.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

“Thank you for the mentorship,” pahabol pa niya.

Matatandaang sa isang episode ng TV Patrol ay inanunsiyo na ni Henry ang kaniyang pamamaalam sa nasabing flagship newscast program ng Kapamilya Network.