September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Hula ng psychic sa SB19: 'May aamin sa kanila na hindi straight!'

Hula ng psychic sa SB19: 'May aamin sa kanila na hindi straight!'
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT), SB19 (FB)

Nagbigay ng hula ang psychic at “Asia's Nostradamus” na si Jay Costura hinggil sa hinaharap ng patok na P-pop male group na SB19.

Una umanong nakilala si Jay sa social media noong nahulaan niya ang pagsadsad ng Xiamen Airlines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong 2018. Nasundan pa umano ito noong magbigay siya ng prediksyon sa pagdating ng Covid-19 noon namang 2022.

Sa latest vlog ni showbiz insider Ogie Diaz na “Ogie Diaz Inspires” noong Biyernes, Agosto 30, sinabi niya na may isyu umano sa sexuality ang nasabing grupo.

“Sa nakikita ko naman is may mga issues with sexuality. May aamin sa kanila na hindi straight. Nakikita ko naman na magtatagal ang grupo,” saad ni Jay.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Dagdag pa niya: “May kukwestiyunin ‘yong sexuality ng isa sa kanila. Pero wala pa akong napi-feel compared with BINI na may crackdown ang grupo. Sa kanila is like intact pa ang nararamdaman ko.”

Matatandaang naintriga kamakailan ang mga netizen sa tunay na gender ng isang miyembro ng SB19 na si Pablo dahil akala umano n ng actor-producer na si Robby Tarroza ay karelasyon nito si Stell.

MAKI-BALITA: Stell at Pablo ng SB19, magkarelasyon?

Pero sa isang panayam ay nagbigay ng pahayag si Stell sa naturang intriga. Ayon sa kaniya, wala raw siyang nakikitang masama kung sakali mang “bakla” siya.

MAKI-BALITA: Stell sa isyung beks siya: 'If ever man gano'n ako, anong problema?

MAKI-BALITA: SB19 Pablo, inaming crush si Keanu Reeves