Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng umaga, Agosto 30.
Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:52 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 72 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Bayabas, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.