September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pagkandong ni Kyline kay Kobe, way of support lang daw ng aktres

Pagkandong ni Kyline kay Kobe, way of support lang daw ng aktres
screenshots: Fast Talk with Boy Abunda/YT

Tinuldukan na ni Kyline Alcantara ang isyu tungkol sa pagkandong niya kay celebrity basketball player Kobe Paras habang kumakanta. 

Usap-usapan sa social media ang isang video kung saan makikita ngang nakakandong si Kyline kay Kobe at may tanim pang halik sa balikat.

Basahin: May tanim pang kiss sa balikat: Kyline at Kobe nagkandungan na, sila na ba?

Sa kaniyang interview sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, Agosto 29, sinagot ni Kyline ang tungkol sa viral video.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"Anong kuwento sa likod ng videoke na ito?" tanong ni Boy Abunda kay Kyline.

"Ano po 'yan sa bahay ng super close friend ko na naging friend na rin po ni Kobe. Nandyan po 'yung mga non-showbiz friend ko at nandyan din po ang aking mga magulang," ani Kyline.

Dagdag pa niya, "Inaasar namin si Kobe na kumanta siya, nahihiya po siya. So I was just there to support him and I guess that's my way of supporting him."

Matatandaang nauna nang inurirat ni Lhars Santiago ng 24 Oras si Kyline pero wala naman inamin at itinanggi ang aktres tungkol sa kanila ni Kobe.

Parang ang gustong ipahiwatig ni Kyline, "What you see is what you get."

BASAHIN: 'What you see, what you get!' Kyline, walang dapat i-explain tungkol sa kanila ni Kobe