November 26, 2024

Home BALITA National

Western Luzon, Visayas, patuloy na apektado ng habagat -- PAGASA

Western Luzon, Visayas, patuloy na apektado ng habagat -- PAGASA
Courtesy: PAGASA/FB

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Agosto 30, na patuloy pa ring naaapektuhan ng southwest monsoon o habagat ang kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdadala ang habagat ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Inaasahan ding magdudulot ang habagat ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms sa Metro Manila, Western Visayas, Ilocos Region, Cavite, Batangas, at Negros Occidental.

National

‘What kind of country is this?’ VP Sara, pinuna ‘di raw pag-aksyon ng gov’t sa banta sa kaniya

Samantala, inaasahan ding makararanas ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms ang mga natitirang bahagi ng bansa dahil naman sa localized thunderstorms.

Posible rin daw ang pagbaha o pagguho ng lupa sa nasabing mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay may binabantayan din ang PAGASA na kumpol ng kaulapan o cloud cluster sa West Philippine Sea (WPS) at silangang bahagi ng Mindanao sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Posible raw na may mabuo ritong low pressure area (LPA) sa cloud clusters sa silangan ng Mindanao sa loob ng 24 oras, kung saan inaasahan din itong papasok sa PAR at magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa sa mga unang araw ng buwan ng Setyembre.