September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'What you see, what you get!' Kyline, walang dapat i-explain tungkol sa kanila ni Kobe

'What you see, what you get!' Kyline, walang dapat i-explain tungkol sa kanila ni Kobe
Photo courtesy: Screenshots from 24 Oras (YouTube channel)/via Balita

Nagsalita na ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara patungkol sa viral video nila ng "great friend" na si Kobe Paras habang nakakandong siya rito at tila hinaharana siya sa pamamagitan ng videoke.

Kung titingnan, mukhang nag-next level na ang friendship nina Kyline at Kobe dahil kapansin-pansing habang bumabanat ng "Hinahanap-Hanap Kita" ng Rivermaya si Kobe ay komportableng nakakandong sa kaniya si Kyline, at kapansin-pansing nakapulupot ang braso ng basketball player sa beywang ng aktres.

Maya-maya, bumaling si Kyline kay Kobe at nagkatitigan ang dalawa. Tapos, tinaniman ng halik ni Kobe ang balikat ni Kyline!

Mapapansin naman sa video na tila "sanay" na at wafakels ang mga kaibigang nakapaligid sa kanila sa lambingan ng dalawa.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

MAKI-BALITA: May tanim pang kiss sa balikat: Kyline at Kobe nagkandungan na, sila na ba?

May mga netizen tuloy na nagkokomentong tila tama raw ang desisyon ni Carmina na huwag pumayag sa kung anuman ang relasyon ng anak na si Mavy kay Kyline. 

MAKI-BALITA: 'Vindicated raw si Carmina?' Netizens sa kandungan nina Kyline at Kobe, 'Mother knows best!'

Matatandaang pinag-usapan na tila nagkakamabutihan na ang dalawa dahil napapadalas ang sightings na magkasama silang dalawa, simula nang mabalitang "break" na sina Kyline at ang isa sa mga anak ni Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na si Mavy Legaspi.

Pero nang kapanayamin sina Kobe at Kyline sa GMA Gala 2024 noong Hulyo, sinabi ni Kobe sa press na friends lang sila ni Kyline.

Sa pag-urirat ni Lhars Santiago ng 24 Oras kay Kyline nitong Agosto 28, walang inamin at itinanggi si Kylie patungkol sa isyu ng real score nila ni Kobe.

Parang ang gustong ipahiwatig ni Kyline, "What you see is what you get."

Pakiramdam ng "Shining Inheritance" star, wala siyang dapat ipaliwanag sa publiko dahil ang mas mahalaga naman daw, kung ano ang alam ng kaniyang mga kaanak at kaibigan.

"I feel like it’s my right to not answer or to answer questions… to deny nor confirm anything... Whatever they see is that’s what they’re gonna get... I feel like I don’t owe the public any explanation naman po..." anang Kyline.