Opisyal nang pinirmahan ni Olympic gymnast Levi Jung-Ruivivar ang kaniyang kontrata sa ilalim ng Viva Artists Agency ngayong Huwebes, Agosto 29, 2024.
Sa isang press conference, sinabi ni Levi na excited na siya sa future projects niya kasama ang VIVA. Sa ngayon, nakatuon ang kaniyang kontrata sa modelling at brand deals ng agency.
Makikita rin ito sa official Facebook page ng VAA,
LOOK: Filipino-American gymnast and the... - Viva Artists Agency | Facebook
Si Levi ang pinakabatang miyembro ng delegado ng Pilipinas noong 2024 Paris Olympics sa edad na 18 anyos. Naghahanda na rin si Levi para sa 2025 Southeast Asian Games na gaganapin sa Thailand.
Samantala, hindi naman nakaligtas ang contract signing ng Olympian mula sa mga kuro-kuro ng netizens tungkol sa ilang posibilidad na proyekto ni Levi.
“For her first starring role, she will star in the film LAMBITIN, followed by TUMBLING.”
“kelan first movie niya? bili ako walong ticket”
“Bagong yayariin ni mark anthony sa vivamax”
“Viva...sana may max”
“perfect sa vivamax ang gymnast kasi flexible sila”
“Datingan palang pang viva na”
Kate Garcia