October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kaya pala no show na! Co-host ni Willie Revillame nag-resign sa Wil To Win, anyare?

Kaya pala no show na! Co-host ni Willie Revillame nag-resign sa Wil To Win, anyare?
Photo courtesy: MJ Cayabyab (X)

Mismong singer-actor na si MJ Cayabyab na ang nagkumpirmang nagbitiw na siya bilang co-host ni Willie Revillame sa show nitong "Wil To Win" tuwing hapon sa TV5, at kasisimula pa lamang noong Hulyo.

Bahagi si Cayabyab ng line-up ng co-host ni Kuya Wil kasama pa sina Ana Ramsey, Cindy Miranda, Boobsie, Sam Verzosa, at Roberta Tamondong.

Naging emosyunal pa si MJ nang sabihin ni Kuya Wil sa isa sa mga episode kung paano sila nagkakilala at kung paano siya kinumbinsi ng host na mag-audition.

"Nag-doubt ako kasi hindi ko alam kung kaya ko," anang MJ.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Noong Hulyo 9, masaya at proud pa niyang ibinahagi ang pagiging bahagi niya ng show.

"As your new Co-host of Wil To Win! Malapit na sa Tv5. Thankyou kuya wil. Excited na magpasaya ng milyon milyong Pilipino #WilToWin" aniya. 

Ngunit sa X post ni MJ noong Agosto 27, isang buwan at mahigit ang nakalilipas, kinumpirma niyang wala na siya sa show at personal reason daw ang dahilan.

"For those who are messaging me 'bakit wala kana sa Wil To Win as co host' Nag Resign na po ako for some personal reason. But thankyou guys for your concern. I am okay. Thankyou everyone," saad ni MJ. 

Hindi na idinetalye ni MJ kung ano ang personal na dahilan na ito.

Matatandaang ilang araw matapos ang premiere ng Wil To Win ay naging laman na ito ng balita dahil sa "panenermon" ni Willie sa co-hosts at production staff dahil sa mga pagkakamali.

Nilinaw naman ni Willie na ang pinanggagalingan niya ay dahil nais niyang maging maayos ang pagbabalik ng programa.

Ngunit payo naman sa kaniya ng karamihan, pagalitan na lamang niya ang co-hosts at staff sa pribadong paraan at huwag kapag umeere ang show.