September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Angelica Yulo, ngiting wagas dahil endorser na ng dental clinic!

Angelica Yulo, ngiting wagas dahil endorser na ng dental clinic!
Photo courtesy: Screenshots from Hungry Boss (TikTok)

Usap-usapan ang pagpapapirma ng kontrata ni "Hungry Boss" sa nanay ni two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo na si Angelica Yulo para maging bahagi kuno ng "Star Image Artist."

Pero kidding aside daw, magiging endorser na si Mommy Angelica ng Smile 360 Dental Clinic na pagmamay-ari din ni Hungry Boss.

Nagbiro pa si Mommy Angelica na baka kontrata sa "Vivamax" ang pipirmahan niya. Sumakay naman dito si Hungry Boss at sinabing kinakausap na raw niya si "Boss Vic" o si Vic Del Rosario ng Viva Films para sa kaniya.

Dito ay sinabi na nga ni Hungry Boss na magiging kapamilya na nila si Angelica sa nabanggit na clinic.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Bukod dito, nai-promote pa ni Hungry Boss ang panindang longganisa ni Mommy Angge na pinangalanang "YuLongganisa."

MAKI-BALITA: Kumita ng higit ₱82k: Longganisa ni Angelica, mabenta!

Bumaha naman ng pagbati para kay Angelica para sa panibagong milestone na nakuha niya, subalit may ilan ding bumatikos dahil tila nakuha na raw niya ang "atensyon" na nais niya simula nang sumiklab ang isyu ng girian nila patungkol sa pera ni Caloy.

MAKI-BALITA: 'Baka Vivamax 'to ha!' Angelica Yulo pinapirma ng kontrata, magiging 'artista' na?