September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Vindicated raw si Carmina?' Netizens sa kandungan nina Kyline at Kobe, 'Mother knows best!'

'Vindicated raw si Carmina?' Netizens sa kandungan nina Kyline at Kobe, 'Mother knows best!'
Photo courtesy: via Balita

Napa-react ang mga netizen sa kumalat na video nina Kyline Alcantara at Kobe Paras na tila sweet na sweet sa isa't isa habang nakakandong ang aktres sa basketball player, na kumakanta naman sa videoke ng 'Hinahanap Hanap Kita" ng Rivermaya.

Kung titingnan, mukhang nag-next level na ang friendship nina Kyline at Kobe dahil kapansin-pansing habang bumabanat ng "Hinahanap-Hanap Kita" ng Rivermaya si Kobe ay komportableng nakakandong sa kaniya si Kyline, at kapansin-pansing nakapulupot ang braso ng basketball player sa beywang ng aktres.

Maya-maya, bumaling si Kyline kay Kobe at nagkatitigan ang dalawa. Tapos, tinaniman ng halik ni Kobe ang balikat ni Kyline!

Mapapansin naman sa video na tila "sanay" na at wafakels ang mga kaibigang nakapaligid sa kanila sa lambingan ng dalawa.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

MAKI-BALITA: May tanim pang kiss sa balikat: Kyline at Kobe nagkandungan na, sila na ba?

Matatandaang pinag-usapan na tila nagkakamabutihan na ang dalawa dahil napapadalas ang sightings na magkasama silang dalawa, simula nang mabalitang "break" na sina Kyline at ang isa sa mga anak ni Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na si Mavy Legaspi.

Pero nang kapanayamin sina Kobe at Kyline sa GMA Gala 2024 noong Hulyo, sinabi ni Kobe sa press na friends lang sila ni Kyline.

Anyways, reaksiyon ng mga netizen ay tila tama raw ang desisyon ni Carmina na "ilayo" ang anak kay Kyline dahil sa ipinakikita raw nitong behavior, na hindi matanggap ng mga taong "Maria Clara" at hindi pa tanggap ang mga ganitong eksena.

Narito ang ilan sa mga nakalap na reaksiyon at komento ng Balita sa iba't ibang panig ng social media:

"Mother knows best talaga!"

"Jusko Kyline, kulang na lang mag-get a room na kayo ni Kobe. Great friends pa ba 'yan?"

"Yan ang babaeng walang kadeledesa sa sarili khit my ksamang mga lalaki c boy kumandong pa rin yaks girl sabi mo great friends bilis mo naging caime2 sa sa matinik na durian.sau mismo nkikita ang kilos at gawa at salita girl huwag mgsalita ng tapos."

"Parang okay ang desisyon ni carmina hahahaha..."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Kyline at Kobe tungkol dito.