September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Stell sa isyung beks siya: 'If ever man gano'n ako, anong problema?

Stell sa isyung beks siya: 'If ever man gano'n ako, anong problema?
Photo courtesy: Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda (YouTube)

Sinagot ni Stell Ajero ng all-male Pinoy Pop group na SB19 ang isyu tungkol sa sekswalidad na kadalasang ibinabato sa kanilang mga miyembro nito.

Una nang sumagot si Stell na para sa kaniya, wala siyang nakikitang masama kung sakaling "bakla" man siya. Para sa kaniya, hindi raw ito porma ng insulto kaya wala siyang pakialam kung kuwestyunin man ng iba ang kaniyang sexuality.

“Hindi ko nga rin po talaga maintindihan. Kasi unang-una po, tingin po ba nila insulto 'yong gano'ng klaseng bagay? Ako, for example, lagi po akong natatanong or lagi pong nagiging issue po sa 'kin 'yon and I don't mind na kung if ever man isipin nilang gano'n. Kasi if ever man gano'n ako, what's the problem?” matapang na sagot ni Stell.

Aniya pa, “So, if ever man na ganun ako, ano'ng problema? So, may issue ba tayo kung [for] example na maging bakla ako or anything naman na matawag n'yo sa akin? Kasi pare-parehas naman tayong tao, pare-parehas tayong kumakain, pare-parehas tayong dumudumi.”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Matatandaang sa naging panayam ni Romel Chika sa dating matinee idol na si Robby Tarroza, nasabi ni Robby na akala raw niya ay magjowa sina Stell at isa pang miyembro ng SB19 na si Pablo. Isang kaibigan daw sa showbiz ang nagsabi sa kaniya tungkol sa relasyon ng dalawa. Napansin din umano ni Robby na tila ilang at pinagtataasan siya ng kilay ni Pablo nang magkita sila sa concert ni Dingdong Avanzado.

MAKI-BALITA: Stell at Pablo ng SB19, magkarelasyon?

Bagay na sinagot din ni Stell sa nabanggit na panayam.

"Katulad nga po no'ng mga gano'ng issue, na mahilig 'yong mga fans sa shipping. Hindi namin maiiwasan 'yon. Kasi kami nga minsan nagkaka-ano rin kami, bakit parang gano'n 'yong tingin ng tao, eh sa 'min parang normal naman 'yon bilang magkakaibigan. Sa ibang tao, iba pala 'yong iniisip nila,” aniya.