September 20, 2024

Home SPORTS

Pag-idol ng tatay ni Carlos Yulo kay Nesthy Petecio, inintriga; parinig sa anak?

Pag-idol ng tatay ni Carlos Yulo kay Nesthy Petecio, inintriga; parinig sa anak?

Usap-usapan ang pag-share ng tatay ni two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo na si Mark Andrew Yulo, patungkol sa gagawin ni 2024 Paris Olympics bronze medalist at Filipino boxer Nesthy Petecio sa kaniyang natanggap na incentives.

Mababasa sa nabanggit na post ang naging pahayag ni Nesthy kung anong gagawin niya sa incentives dulot ng kaniyang panalo sa Olympics.

Nabanggit ni Nesthy sa isang panayam ng entertainment site na hindi niya sosolohin ang mga pabuyang natanggap, at ibabahagi niya ito sa kaniyang pamilya.

Maglalaan din umano ang Pinoy boxer ng budget para sa investments sa lupa, at pinag-iisipan pang magtayo ng negosyo. Ayaw raw kasi niyang masayang ang perang natanggap niya.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Simpleng reaksiyon dito ng papa ni Caloy, "idol Nesthy Alcayde Petecio."

Photo courtesy: Screenshot from Mark Andrew Yulo (FB)

Sa hindi malamang dahilan. kung bibisitahin ang post na ito habang isinusulat ang artikulong ito, "content unavailable" na ang post na maaaring binura ng uploader.

Ngunit nakapagkomento na rito ang netizens at ilan sa kanila ang nagbigay ng espekulasyong tila nagpaparamdam daw ang ama sa kaniyang anak.

"Yes, totoo yon..father's know best..nanghihinayang sya until now kasi Caloy is the heart of stone despite his whopping prizes..na natangap nya, wapakels."

"Anak na iniisip ang kapakanan ng mga pamilya bago ang sarili. Salute syo Nesthy Petecio...nakkaproud..ikw ang tunay na may ginintuang puso."

"Hindi nakakatulong ang ganyang paraan nakikita din ng Anak mo ang mga post mo halatang nagpaparinig na naman kayo sa kanya,, sa ganyang paraan eh mas lalong lalayo anak nyo sa inyo may pride din yun nasasaktan din at nahihiya lalo na sa mga taong mas nakakakilala sa inyo pag panay kayo post ng ganyan na halatang Patama at parinig napapahiya din yun lalo nat iisipin ng mga tao kung gaano sya kasamang anak sa inyo bawat post nyo sumasabay mga bashers nya mas lalong kumakalat kung gaano sya kasama kaya mas mabuting manahimik nalang at hayaan nyong kusa syang babalik sa inyo panahon nalang makapag pahilom ng sakit, Babalik padin naman yun kasi kayo lang naman pamilya nya namimis din nya kayo sigurado yan pero kung ganito mga post nyo eh hindi talaga yun lalapit sa inyo kasi mas lalong kumakalat sa social media paano nya saktan kayong kapamilya nya."

"You have a heart of gold , Nesthy."

Lalo pang lumutang na tila nagpaparinig ang ama sa anak nang ibahagi ni Mark Andrew ang isang post mula sa isang netizen na nagngangalang "Abubacar Pacasum Sultan" patungkol sa pagbibigay-honor sa ina at ama.

Mark Andrew Yulo | Facebook

Matatandaang sa pagitan ng ina at ama, tila mas maayos ang relasyon ni Caloy kay Mark Andrew, patunay ang pag-recognize ng atleta sa kaniya nang maispatan niya ito sa isinagawang heroes welcome sa kaniya sa Maynila nang umuwi ang Filipino Olympians sa Pilipinas mula sa Paris.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang ama ni Carlos Yulo patungkol dito.