September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Early retirement? AJ, 'di na babalik sa hubadera era sa Vivamax

Early retirement? AJ, 'di na babalik sa hubadera era sa Vivamax

Tila hindi na raw babalik sa pagpapa-sexy at paghuhubad sa mga pelikula ng Vivamax ang sexy star na si AJ Raval, saad niya sa panayam ni Julis Babao sa kaniyang vlog.

Ayon kay AJ, mukhang nagkaroon siya ng "change of heart" at iba na ang priyoridad niya sa ngayon; gusto raw niyang maging inspirasyon ng kabataan at gamitin ang kaniyang influence sa career in a good way.

"Maraming nakilala sa akin bilang sexy star, ngayon, ang gusto kong i-promote sa sarili ko, is 'yong change. Lahat ng tao kaya magbago," aniya.

"Hindi mo na naiimagine 'yong sarili mo na babalik ka sa gano'n?" untag pa ulit ni Julis, na tumutukoy sa pagbida sa sexy movies.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"No, ayaw ko na talaga," walang gatol na saad ni AJ.

Follow-up na tanong ni Julius ay kung ano ang hindi niya nagustuhan sa industriya.

Sagot ni AJ, "Madami eh, pero don't get me wrong ha, love ko 'yong mga boss ko, 'yong Viva. Nabigyan nila ako ng daan sa kanila ako nag-start, pero hindi kasi puwedeng wala kang goal, kumbaga, hindi puwedeng doon ka lang. Dapat may goal ka, ipakita mo sa mga tao na maayos ka, 'yon bang hindi lang sexy 'yong gagayahin nila sa 'yo, 'yong gagayahin nila sa 'yo, paano ka, 'yong improvement mo..."

Habang tumatanda raw ay na-realize ni AJ na ayaw niyang gayahin siya ng kabataan ngayon.

"I'm not against sa pagpapa-sexy, but, alam ko sa sarili ko na may magagawa pa akong mas maganda. Mas better."

Nasabi rin ni AJ na hindi siya masaya sa mga nagawa niya noon, kahit na siya ang itinuturing na "Reyna ng Vivamax." Hindi raw siya nahirapang mag-lie low dahil gusto raw niyang makakawala sa ganoong career, at alam daw iyan ng mga bosing niya sa Viva.

"Hindi siya para sa akin talaga, para siya sa iba," giit pa ni AJ.

Sa vlog ding ito, pinagdiinan nina AJ at Aljur na hindi totoo ang mga kumakalat na tsikang may anak na sila. 

MAKI-BALITA: AJ sa love child daw nila ni Aljur: 'Parang yearly na lang ako buntis!'