February 25, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Baka Vivamax 'to ha!' Angelica Yulo pinapirma ng kontrata, magiging 'artista' na?

'Baka Vivamax 'to ha!' Angelica Yulo pinapirma ng kontrata, magiging 'artista' na?
Photo courtesy: Screenshots from Hungry Boss (FB/TikTok)

Usap-usapan ang pagpapapirma ng kontrata ni "Hungry Boss" sa nanay ni two-time Olympic gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo na si Angelica Yulo para maging bahagi kuno ng "Star Image Artist."

Pero kidding aside daw, magiging endorser na si Mommy Angelica ng Smile 360 Dental Clinic na pagmamay-ari din ni Hungry Boss.

Nagbiro pa si Mommy Angelica na baka kontrata sa "Vivamax" ang pipirmahan niya. Sumakay naman dito si Hungry Boss at sinabing kinakausap na raw niya si "Boss Vic" o si Vic Del Rosario ng Viva Films para sa kaniya.

Dito ay sinabi na nga ni Hungry Boss na magiging kapamilya na nila si Angelica sa nabanggit na clinic.

At base sa pahayag ni Hungry Boss, mukhang hindi lang si Angelica ang kasali sa pinapirma ng kontrata kundi ang buong Yulo fam. 

Tsika at Intriga

Kylie kapag tumakbong VP ang erpat na si Sen. Robin: 'Aalis na ako ng Pilipinas!'

Bumaha naman ng pagbati para kay Angelica para sa panibagong milestone na nakuha niya, subalit may ilan ding bumatikos dahil tila nakuha na raw niya ang "atensyon" na nais niya simula nang sumiklab ang isyu ng girian nila patungkol sa pera ni Caloy.