September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

AJ sa love child daw nila ni Aljur: 'Parang yearly na lang ako buntis!'

AJ sa love child daw nila ni Aljur: 'Parang yearly na lang ako buntis!'
Photo courtesy: AJ Raval (IG)

Nagsalita na ang Vivamax star na si AJ Raval patungkol sa hindi mamatay-matay na tsikang kaya hindi na siya aktibo ngayon sa showbiz ay dahil may anak na siyang inaalagaan na bunga ng pagmamahalan nila ng boyfriend na si Aljur Abrenica.

Sa panayam ng TV5 news anchor na si Julius Babao sa kaniyang vlog na Julis Babao UNPLUGGED, muling pinabulaanan ni AJ na may anak na sila ni Aljur.

Hindi raw totoong may love child na sila. Ani AJ, sanay na siyang nababalitang buntis dahil noon daw kasagsagan ng pagputok na magkarelasyon sila ni Aljur, yearly naman daw siyang naiisyung tesbun.

Ang dahilan daw ng pagkawala niya muna sa showbiz ay dahil nagpokus siya sa self-improvement at nagtapos siya ng high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

"First of all, hindi po ako taon-taon buntis. Parang yearly na lang akong buntis," natatawang saad ni AJ. 

Pero kung sakaling magbuntis nga raw siya ngayon sa anak nila ni Aljur, magalit man daw ang maraming tao, siya pa rin ang pinakamagiging masayang babae.

Dineretso rin ni Julius si Aljur kung may anak na sila ni AJ.

"Diretsahang tanong, may anak na ba kayo ni AJ?" untag ni Julius.

"Wala po," diretsong sagot ni Aljur.

MAKI-BALITA: AJ Raval, itinanggi ang tsismis na buntis siya; ibinalandra ang tiyan

MAKI-BALITA: AJ, 'buntis' dahil 3 weeks delayed; nakipagsalpukan ng 'kuweba' at aktingan kay Angeli Khang