September 14, 2024

Home BALITA National

Trillanes, nanawagang i-impeach si VP Sara

Trillanes, nanawagang i-impeach si VP Sara
Photo Courtesy: Antonio Trillanes, Sara Duterte (FB)

Hinikayat ng dating senador na si Antonio “Sonny” Trillanes IV na isailalim sa impeachment si Vice President Sara Duterte.

Sa X post ni Trillanes nitong Martes, Agosto 27, naniniwala umano siya na panahon na upang magsagawa ng impeachment sa bise-presidente.

“I believe it is time to impeach Sara Duterte as vice president. Sama-sama tayong manawagan sa ating mga mambabatas: IMPEACH SARA!!!” saad ni Trillanes.

Umalingawngaw ang nasabing panawagan sa gitna ng isinagawang pagdinig ng House of Representatives tungkol sa budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025.

National

Hiling ni Quiboloy na ilipat sa kustodiya ng AFP, ibinasura ng korte

Tila nagkaroon kasi ng tensiyon sa pagitan ni Duterte at ACT Teacher’s party-list Rep. France Castro nang magtanong ang huli tungkol sa paggamit ng confidential funds ng OVP noong 2022.

MAKI-BALITA: NAGKAINITAN?! VP Sara, kinuwestiyon kung bakit nakaupo pa rin si Rep. Castro sa Kongreso