September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sawsaw dahil laos? Direk Joel, nagsalita tungkol sa parinig post sa aktor na 'patikim sa direktor, producer'

Sawsaw dahil laos? Direk Joel, nagsalita tungkol sa parinig post sa aktor na 'patikim sa direktor, producer'
Photo courtesy: via Balita

Kumakalat ang isang Facebook post na nakapangalan kay Direk Joel Lamangan na tila bumabarda sa isang di-pinangalanang aktor, na aniya ay pumapatol sa mga beking direktor at producer para lang magka-project.

Medyo nakakaalarma ang post dahil talagang gumamit ng mga tahasan at direktang salita rito, bagay na inalmahan naman ng malalapit na kaibigan ng direktor at sinabing poser lamang ni Direk Joel ang gumawa nito.

Nakasaad sa post na hindi naman daw inabuso ang aktor dahil siya mismo ang pumayag na "magpasubo." Sanay rin umano ang aktor sa pagkakaroon ng gay benefactor.

Balita rin umano na may ka-live in na beks ang aktor sa kaniyang tinutuluyan sa Makati.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sey ng isa sa mga kaibigan ni Direk Joel na si Dennis Evangelista, line producer sa CINEKO Productions, hindi si Direk Joel ang nag-post niyon at hindi niya pagmamay-ari ang nabanggit na Facebook account.

"Hindi ‘to galing kay direk Joel Lamangan," ani Evangelista.

"May poser si Direk Joel Lamangan na nagpapanggap na siya, kumukuha ng datung sa mga gustong mag artista at pinag brief online."

"Tungkol sa pahayag ng artista na allegedly ay pinatatamaan ang Sikat na direktör na siya sexually harassed—walang pahayag o pagpatol na sinasabi si direk Joel Lamangan."

"Hindi ganitong mag salita at hindi niya legit na acct etong naka post na to. Hindi rin niya ugaling manlait ng tao. Sa kasalukuyan ay busy si direk Lamangan kaya wala siyang panahon pumatol sa mga ganitong isyu."

Hindi ‘to galing kay direk Joel Lamangan.... - Dennis C. Evangelista | Facebook

Ganito rin ang depensa ng direktor-scriptwriter na si Ronaldo Carballo.

"Pagkabasa ko nito, alam ko nang HINDI SI DIREK Joel Lamangan ito."

"Hindi sya ganito magsalita."

"I verified it to Direk Joel."

"True enough, kinumpirma nyang hindi sya ito."

"May mga walangyang tao talagang ginagamit ang FB account nya sa maraming kabalbalan."

"Please stop putting words at Direk Joel's mouth!"

"Hindi para patulan pa nya ang starlet na ito."

"Obvious namang isa na naman syang nakiki-ride-on, dahil sa kaso ni Sandro Muhlach."

"Magtigil ka Aaron Villena!"

"Tama na ang pakikisakay sa isyu at paggamit ng tao para mapag-usapan ka lang."

"Wala kang mapapala sa ganyan!" banat pa ng direktor.

Pagkabasa ko nito, alam ko nang HINDI SI... - Ronaldo C. Carballo | Facebook

Sa panayam naman ng ABS-CBN News mula mismo kay Direk Joel, kinumpirma niyang hindi siya ang nag-post nito at ang account ay ginagamit lamang ng isang poser.

"No. Hindi ako yan, poser yan, scammer!" anang Lamangan.

Matatandaang naiisyu si Direk Joel na siya raw pinariringgan ni Ahron Villena patungkol sa isang direktor na nang-exploit sa kaniya noon sa isang pelikula kung saan gumanap siya ng isang cameo role. 

MAKI-BALITA: Konek the dots: Bakit si Direk Joel tinuturong direktor na nag-exploit daw kay Ahron?

Kuwento ni Ahron, na-trigger siyang mag-post nang mabasa niya ang isang balita patungkol sa sinabi ng nabanggit na direktor na matagal nang nangyayari sa showbiz ang "tikiman."

Dito ay muli niyang naikuwento ang tungkol sa ginawa ng direktor na paglalagay ng plaster sa kaniyang notabels, habang nararamdaman niya ang pagsadyang pagdampi ng mga kamay nito. 

Binalikan tuloy ng mga netizen ang naging panayam ni Ahron sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong Marso 2024, kung saan una niyang nabanggit ang tungkol dito. 

MAKI-BALITA: 'Kamay ni Direk, may sariling buhay?' Panayam kay Ahron Villena sa Fast Talk, binalikan

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Direk Joel patungkol sa mga espekulasyon ng netizens na siya nga ang tinutukoy ni Ahron Villena.