December 22, 2024

Home SHOWBIZ

Sa kabila ng nangyari: Gerald Santos, proud na naging Kapuso dati

Sa kabila ng nangyari: Gerald Santos, proud na naging Kapuso dati
Photo Courtesy: Gerald Santos, GMA (FB)

Nagbigay pa rin ng pagkilala si dating Kapuso singer Gerald Santos sa GMA Network sa kabila ng nangyaring panghahalay umano sa kaniya noong bahagi pa siya nito.

Sa ginanap na senate hearing ng Committee on Public Information and Mass Media nitong Martes, Agosto 27, sinabi ni Gerald na hanggang ngayon ay proud pa rin siya na minsan siyang naging Kapuso.

“Hindi po ako makikilala at magkakapangalan sa industriya kung wala po ang GMA. Up until now, proud po ako na ako po ay minsang naging Kapuso,” saad ni Gerald.

Gayundin, humingi si Gerald ng paumahin sa network kung masyado raw siyang naging mapaghanap matapos niya umanong mapagsamantalahan. 

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!

“Para po sa GMA, hiling ko po na ito po ay finally magkaroon na po ng closure. I apologize po kung ako ay naging mapaghanap sa network. Ako po ay isang batang lamang noon na may matayog na pangarap,” aniya.

Dagdag pa ng singer: “Ang GMA po ang aking itinuring na tahanan, sandalan at pader noong mga panahong ‘yon.”

Samantala, sa huling bahagi ng pananalita ni Gerald ay pinangalanan na rin niya sa wakas ang musical director na humalay umano sa kaniya noong siya ay 15 years old pa lamang.

MAKI-BALITA: Gerald Santos, pinangalanan na umabuso sa kaniya