September 18, 2024

Home SHOWBIZ

May tanim pang kiss sa balikat: Kyline at Kobe nagkandungan na, sila na ba?

May tanim pang kiss sa balikat: Kyline at Kobe nagkandungan na, sila na ba?
Photo courtesy: Screenshots from @Riiriicchh (TikTok)

Usap-usapan ang video ni Kapuso actress Kyline Alcantara at celebrity basketball player Kobe Paras habang sweet na sweet sa isang videokehan kasama ang ilang tila malalapit na kaibigan.

Kung titingnan, mukhang nag-next level na ang friendship nina Kyline at Kobe dahil kapansin-pansing habang bumabanat ng "Hinahanap-Hanap Kita" ng Rivermaya si Kobe ay komportableng nakakandong sa kaniya si Kyline, at kapansin-pansing nakapulupot ang braso ng basketball player sa beywang ng aktres.

Maya-maya, bumaling si Kyline kay Kobe at nagkatitigan ang dalawa. Tapos, tinaniman ng halik ni Kobe ang balikat ni Kyline!

Mapapansin naman sa video na tila "sanay" na at wafakels ang mga kaibigang nakapaligid sa kanila sa lambingan ng dalawa.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Matatandaang pinag-usapan na tila nagkakamabutihan na ang dalawa dahil napapadalas ang sightings na magkasama silang dalawa, simula nang mabalitang "break" na sina Kyline at ang isa sa mga anak ni Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na si Mavy Legaspi.

Pero nang kapanayamin sina Kobe at Kyline sa GMA Gala 2024 noong Hulyo, sinabi ni Kobe sa press na friends lang sila ni Kyline.

MAKI-BALITA: Kobe Paras, nagsalita na sa relationship status nila ni Kyline Alcantara

Eh Hulyo pa iyon at Agosto na ngayon, malay natin kung may nagbago na sa feelings nila sa isa't isa, 'di ba? Wala namang problema dahil pareho naman silang single.