September 14, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Magtigil daw: Direk kay Ahron, 'Tama na pakikisakay sa isyu para mapag-usapan lang!'

Magtigil daw: Direk kay Ahron, 'Tama na pakikisakay sa isyu para mapag-usapan lang!'
Photo courtesy: Ronaldo Carballo (FB)/Ahron Villena (FB)/Joel Lamangan (FB)

Tila may banat na mensahe ang direktor-scriptwriter na si Ronaldo Carballo sa aktor na si Ahron Villena, na kamakailan lamang ay nambulabog sa social media at showbiz world matapos magparinig sa isang direktor na "nang-exploit " daw sa kaniya noong baguhan pa lang siya sa showbiz.

Ipinagtanggol kasi ni Direk Ronaldo si Direk Joel Lamangan mula naman sa kumakalat na umano'y Facebook post niya, na nagpaparinig naman sa isang aktor na pumapatol daw sa mga beking direktor at producer para lang magkaproyekto.

Ang pinupunto ng post, hindi raw puwedeng "abuso" ang tawag sa akto dahil kusa umanong "nagpapasubo" ang di-pinangalanang aktor.

Photo courtesy: Joel Lamangan (FB)

Sinabi ni Carballo na hindi raw si Lamangan ang nag-post nito.

Tsika at Intriga

Ai Ai, binatikos dahil sa pakikisawsaw sa isyu ng mag-inang Carlos, Angelica

"Pagkabasa ko nito, alam ko nang HINDI SI DIREK Joel Lamangan ito. Hindi sya ganito magsalita. I verified it to Direk Joel.

True enough, kinumpirma nyang hindi sya ito. May mga walangyang tao talagang ginagamit ang FB account nya sa maraming kabalbalan. Please stop putting words at Direk Joel's mouth!" mababasa sa post ni Carballo.

Sa kabilang banda, may mensahe rin siya kay "Aaron [Ahron] Villena."

"Hindi para patulan pa nya ang starlet na ito. Obvious namang isa na naman syang nakiki-ride-on, dahil sa kaso ni Sandro Muhlach. Magtigil ka Aaron Villena! Tama na ang pakikisakay sa isyu at paggamit ng tao para mapag-usapan ka lang. Wala kang mapapala sa ganyan!" aniya.

Photo courtesy: Ronaldo Carballo (FB)

Sa panayam ng ABS-CBN News ay pinasinungalingan din ni Direk Joel ang nabanggit na kumakalat na post, na aniya ay isang poser lamang.

"No. Hindi ako yan, poser yan, scammer!" aiya.

BAKIT NADADAWIT SI DIREK JOEL LAMANGAN?

Binalikan ng mga netizen ang naging panayam sa Kapuso actor nang bumisita siya sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong Marso 2024 kasama ang isa pang Kapuso actor na si Luke Conde.

Dito niya unang nakuwento ang tungkol sa karanasan niya sa isang direktor na umano'y nagparamdam sa kaniya ng sexual exploitation.

Naikuwento niya ang ginawa ng direktor na siya ang naglagay ng plaster sa kaniya para sa cameo role niya sa isang pelikula.

Naramdaman daw ni Ahron ang pagdikit ng mga kamay ni Direk sa kaniyang notches pero hindi na lang daw siya kumibo dahil sa respeto niya rito.

MAKI-BALITA: 'Kamay ni Direk, may sariling buhay?' Panayam kay Ahron Villena sa Fast Talk, binalikan

Kaya nitong Agosto 26 ay usap-usapan ang muling pag-ungkat ni Ahron sa nabanggit na karanasan, matapos daw niyang mabasa ang isang post na sinabi raw ng direktor na matagal nang kalakaran sa showbiz ang sexual harassment at sexual abuse.

Nagkataon namang lumabas ang panayam at ulat ng PEP sa naging reaksiyon at komento ni Direk Joel Lamangan sa naging paghahabla ng GMA Sparkle artist na si Sandro Muhlach laban sa GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz dahil nga sa naranasang sexual harassment, sa gabi ng GMA Gala 2024.

Ipinagtanggol pa ni Direk Joel ang dalawa at sinabi niyang kilala niyang mababait ang dalawang akusado.

MAKI-BALITA: 'Isa ako sa naexploit, at ikaw 'yon!' Pasabog ni Ahron Villena, sapul kay Joel Lamangan?

Lalo pang tumibay ang mga espekulasyon ng netizens na si Lamangan ang tinutukoy ni Villena, nang i-share ng direktor na si Darryl Yap ang kontrobersiyal na post ng aktor.

MAKI-BALITA: Konek the dots: Bakit si Direk Joel tinuturong direktor na nag-exploit daw kay Ahron?

Banat ni Yap, gusto raw sana niyang i-tag si Lamangan pero matagal na siya nitong na-block sa Facebook, noon pang 2022.

MAKI-BALITA: Away na 'to! Darryl Yap, gustong i-tag si Joel Lamangan sa pasabog ni Ahron Villena

Samantala, wala pang tugon o reaksiyon si Ahron sa sinabing ito ni Direk Ronaldo. Hindi pa rin nagsasalita si Direk Joel patungkol sa pagkakadawit niya sa post ng aktor.